7 sa 10 mga Filipino millennials, hangad ang pagkakaroon ng healthy at active lifestyle

(Eagle News) — Marami sa mga Pilipino ang naniniwala na para humaba ang buhay, kailangan ang pagkakaroon ng mabuting kalusugan at aktibong pamumuhay.

Subalit dahil sa trabaho, napipigilan umano ang mga pilipino na matamo ito.

Katunayan, walo sa sampung Pilipino, ang nagnanais na magkaroon ng trabaho na hindi sila pipigilan sa pagkakaroon ng tinatawag na healthy at active lifestyle.

Isang survey sa mga tinatawag na “millennials” ang nagpatotoo nito.