ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Sumuko sa militar ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group na mga tauhan at tagasunod ng napatay na ASG Sub-leader na si Alhabsy Misaya sa Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana, kusang-loob na sumuko ang pitong ASG sa Sitio Kanjawali, Bgry. Tandu Bato, Luuk, Sulu. Nakilala ang limang sumukong Abu Sayyaf na sina:
- Aminula Sakili
- Saharijan Sakili
- Hayden Sahidul
- Sattar Sadjal
- Orik Samsuraji
Habang ang dalawang iba pa ay mga tauhan naman ni ASG Sub-leader Tomas Idjas. Na nakilalang sina:
- Princibal Abdan
- Annu Asaraji
Sa inisyal na impormasyong, natakot umano ang mga sumuko na baka sila na ang sumunod na malalagas lalo na at patay na si Misaya. At sunod-sunod nang sumusuko ang iba pa nilang mga kasamahan. Isinuko rin ng pito ang kanilang mga armas:
- 1 m-16 rifle
- 1 m-14 rifle
- 1 garand rifle
- 1 caliber 38 pistol
- 1 caliber 45 pistol
Sa kasalukuyan ay 47 na ang sumukong Abu Sayyaf member.
- 11 sa Sulu
- 25 sa Basilan
- 11 sa Tawi-tawi
Muling nanawagan si WesMinCom Commander Gen. Carlito G. Galvez, Jr., sa mga lider at miyembro ng ASG na sumuko na sa pamahalaan bago mahuli ang lahat.
Eagle News Service Zamboanga City Correspondent Jana Cruspero