72 Kongresista lumagda na para i-override ang SSS pension hike veto

QUEZON City, Philippines — Pumapalo na sa 72 kongresista ang lumagda sa petisyon para i-override ang veto ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa panukalang itaas ang pensyon ng mga pensioner ng Social Security System (SSS).

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares, positibo siyang makakakuha sila ng kailangang 192 lagda bago ang pagbabalik ng sesyon sa may 23 para sa canvassing ng mga boto.

Sinabi ni Colmenares na kabilang din sa mga handang i-override ang veto ng Pangulo ay mga mambabatas na miyembro ng Partido Liberal.

Matatandaang  hindi nabigyan ng pagkakataon si Colmenares na maipasalang sa botohan ang mosyon niyang i-override ang veto ng pangulo sa SSS pension bill sa huling sesyon ng kongreso.

Related Post

This website uses cookies.