PARAÑAQUE CITY (Eagle News) – Tinatayang nasa 75 na mga bahay ang nasunog noong Martes ng gabi, January 17, 2017 sa Sitio Bagong Pagasa Barangay Sun Valley, Parañaque City. Ayon sa imbistigasyon bandang 10:00 ng gabi ng nagsimula ang nasabing sunog.
Agad namang rumesponde ang mga bumbero ng kalapit na mga barangay ngunit mabilis ding kumalat ang apoy dahil sa malakas na hangin kaya mabilis na natupok ang mga bahay. Mahigit 150 na pamilya ang naging biktima sa nasabing sunog.
Ayon sa ilang residente, ang hinihinala nilang sanhi ng sunog ay ang naiwang nakasinding kandila sa isang bahay na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa kasalukyan ay nasa Evacuation Center ng Marimar Village Gym ang mga biktima ng sunog.
Em dela Cruz – EBC Correspondent, Metro Manila