BAROBO, Surigao del Sur (Eagle News) – Umabot na sa mahigit 758 drug personality ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Barobo, Surigao del Sur. Ito ay batay sa Datus ng PNP-Barobo mula lamang Hulyo hanggang Nobyembre ngayong taon. Walo sa nasabing sumukong personalidad ang nahuli pa ring gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga habang isa naman ang nasawi sa mga isinagawang operasyon.
Kaugnay nito, inilunsad din ng awtoridad sa lugar ang Oplan Taphang o Tapok Hangyo na ang ibig sabihin sa salitang tagalog ay “tipunin-pakiusapan.” Dito ay inipon ng Pulisya ang mga tao sa isang komunidad upang kausapin at hingin ang kanilang partisipasyon sa kampanya ng Pamahalaan laban sa iligal na droga.
Issay Daylisan – EBC Correspondent, Surigao del Sur