Ilang pulis at sibilyan, kabilang ang isang EBC News correspondent, ginawaran ng pagkilala ng Mariveles LGU

Mga kuha ni Larry Biscocho, Eagle News Service

(Eagle News) — Ginawaran ng lokal na pamahalaang bayan ng Mariveles, Bataan ang nasa 77 Philippine National Police personnel at onse na sibilyan, kabilang na ang Eagle News correspondent sa nasabing probinsya.

Ito ay dahil sa kanilang partisipasyon sa isinagawang raid ng mga otoridad noong Abril 20, 2018 sa live concert ng 420 Philippines sa Aglaloma Beach, kung saan 10 tao ang nakuhanan ng pake-paketeng marijuana at ecstasy.

Ang nasabing grupo ay nagbibigay ng tribute sa international artist na si Bob Marley noong mga panahon na yun at nagsusulong na maging legal ang nasabing droga sa Pilipinas.

Ipinagkaloob ni Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion ang Certificate of Commendation sa PNP personnel ng Mariveles sa pangunguna ni Supt. Ferdinand Aguilar, Mariveles chief of police.

Kabilang din sa tumanggap ng sertipiko ang Philippine Drug Enforcement Agency-Bataan, PNP 1st and 2nd Provincial Mobile Force Company, Criminal Investigation and Detection Group-Bataan, Balanga City police station, 303rd PNP Maritime Group, Regional Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Olivas at sampung sibilyan na kabilang naman sa Mariveles Public Safety Office.

Ginawaran din ng Certificate of Commendation ang news correspondent ng EBC na si  Larry Biscocho dahil sa isinagawang news coverage ng nasabing raid. Cesar Dabu, Josie Martinez

Related Post

This website uses cookies.