QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Walo sa sampung Pilipino sa buong bansa ang nagsabing ligtas sila dahil sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Ito ang lumabas sa pinakabagong Pulse Asia Survey na isinagawa nitong Disyembre 6 hanggang 11, 2016.
Pinakamataas na naitala ang satisfaction rating sa Mindanao, kung saan 90 percent ng mga residente rito ang mas feeling safe ngayon kumpara noong nakaraang taon dahil sa kampanya ng gobyerno kontra droga.
87 percent naman ang naitala sa Visayas habang 74 percent ng mga respondent ang feeling safe mula sa Luzon.
Ikinasiya naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang resulta ng survey.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, maituturing itong isang malaking accomplishment sa hanay ng pulisya dahil sa unti-unting pagbabalik ng tiwala ng publiko.
https://youtu.be/VoCQKBV94O0