87 inmates ng BJMP-Urdaneta City, Pangasinan nagtapos sa TESDA

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) -Pormal na nagtapos ang 87 inmates sa training na Electronics Products Assembly and Servicing ng TESDA. Ito ay may temang “Poverty Alleviation to PDL’s with Drug Related Cases Skills and Training Program”. Isinagawa ito sa Urdaneta City District Jail, Anonas, Urdaneta City,Pangasinan noong Lunes, February 6, 2017.

Layunin ng nasabing programa na matulungan ang Persons Deprived of Liberty (PDL). Ito ay upang maging produktibo sila para magamit ang kanilang mga natutunan pagdating ang pagkakataon na sila ay makalaya na.

Ayon kay Jail Warden Roque Constantino Sison III, nagpapasalamat siya sa Vox Humana at TESDA na pangunahing sponsor ng programa para ma-materialize ang vision ng BJMP sa buong bansa na maging produktibo ang mga inmates paglabas nila ng piitan.

Ayon naman kay Gng. Elma Macalanda Vice President for operations ng Vox Humana, ninanais nila na matulungan ang mga kababayan sa loob ng piitan para saan man sila makarating ay mayroon silang gagamitin para makapagbagong-buhay spagkat anila ay hindi makukuha ng iba ang edukasyon.

Natutuwa rin ang mga magulang at ilang mga mahal sa buhay ng mga nagsipagtapos ng masaksihan na may pagbabagong nagaganap sa mga nasa loob ng piitan. Naging guest speaker sa nasabing programa si City Councilor Antonino P. Perez.

Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan

Related Post

This website uses cookies.