9 katao nahuli sa Oplan Bulabog sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nagsanib puwersa ang mga awtoridad ng Quezon City Police District (QCPD) na mula sa iba’t ibang sub-precinct ng Station 3 at Barangay Police Safety Officer (BPSO) ng Tandang Sora sa Quezon City sa ginawang Oplan Bulabog noong Huwebes ng tanghali, Abril 6.

Binulabog at ginalugad ang mga bahay sa may Upper Banlat at Delta Village ng mga nasa watch list ng Station 3 na patuloy pa din sa paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.

Naabutan ang 9 katao sa kanilang tahanan habang ginagalugad ang bahay ng mga ito. Nahuli ang dalawang nagtutulak ng droga na sina Joseph Ureta at Allan Ramos. Na-recover naman sa mga suspek ang mga paraphernalia at pakete ng droga. Kinumpiska din ng awtoridad maging ang mga iligal na video karera.

Ayon kay Police Chief Inspector Jun Fortunato ng PCP 3 (Culiat), agad i-inquest ang dalawa na nahulihan ng mga paraphernalia at droga. Ang pito naman sa mga nahuli ay itu-turn over sa barangay para sa rehabilitation.

Ian Jasper Ellazar – EBC Correspondent, Quezon City

 

Related Post

This website uses cookies.