(Eagle News) — Siyam na karagdagang infrastructure projects pa ang naka-linya para sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos makakuha ng go-signal mula sa National Economic and Development Authority o NEDA Investment Coordination Committee.
Kabilang sa mga nasabing proyekto ay ang panukalang Bulacan Airport at Subic-Clark Railway.
Ayon kay NEDA Undersecretary Rolando Tungpalan, inaprubahan ng NEDA-ICC ang siyam na infrastructure projects na nagkakahalaga ng 900 billion pesos.
Sa ilalim ng Build, Build, Build Program plano ng gobyerno na gumastos ng mahigit walong trilyong piso hanggang sa taong 2022.
https://youtu.be/x7nDZSmoDA0