(Eagle News) — Sinabi ngayon ng Commission on Election (Comelec) na nasa 90% na sa bilang ng mga balota para sa May 9 elections ang nakarating na sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa ahensya, ang mga balotang para na lang sa Metro Manila at mga karatig-lugar ang natitira sa kanila.
Samantala, siniguro ng Comelec na matatapos ang shipment ng election materials bago ang Mayo 9 kung saan target na matatapos ang paghahatid sa mga nabanggit sa Abril 30.