Napag-alamang nag-award ng kontrata ang PNP sa Werfast Documentary Agency, Inc. noong Mayo 2011 para sa delivery ng firearms licenses ng mga aplikante sa kabila ng kawalan ng public bidding at kakulangan ng nabanggit na kumpanya ng track record at kwalipikasyon bilang courier service firm.
Ayon sa Ombudsman, hindi rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang Werfast noong i-award ng PNP ang naturang kontrata at hindi rin anila otorisado ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kumpanya upang magsagawa ng courier delivery.
Samantala, bukod kay Purisima, ipinaaresto rin ng SB ang sumusunod na mga dating opisyal ng PNP at maging ang incorporators ng Werfast Company:
- Former Firearms and Explosives Office (FEO) chief Napoleon Estilles
- Former Civil Service Security Group chief Gil Meneses
- Former FEO assistant chief Allan Parreño
- Former FEO Education and Enforcement Management Division chief Melchor Reyes
- Servicing Legal Officer Ford Tuazon
- Mario Juan
- Salud Bautista
- Enrique Valerio
- Lorna Perena
- Juliana Pasia.
Napag-alamang 16 ang kasamang akusado ni Purisima subalit nakapag-piyansa na ang anim sa mga nabanggit na sina:
- Former FEO chief Raul Petrasanta
- Former FEO Firearms and Licensing Division (FLD) chief Eduardo Acierto
- Former FEO FLD assistant chief Lenbel Fabia
- Former FEO, FLD section chief Sonia Calixto
- Former FEO Inspection and Enforcement (I&E) Section chief Nelson Bautista
- Former I&E assistant chief Ricardo Zapata Jr.
Itinakda naman ng korte ang arraignment ng mga nabanggit sa Hunyo 20, 2016, 8:30 ng umaga.