CAMP Aguinaldo, Quezon City (Eagle News) — Siyamnapu’t dalawang (92) tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sinibak sa serbisyo matapos na magpositibo sa iligal na droga.
Ayon sa Department of National Defense (DND), may kabuuang 32,795 na AFP personnel ang sumailalim sa drug testing simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay pagtugon sa kampanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa anti-illegal drugs operations.
Kabilang sa mga nagpositibo ang isang military officer, 64 AFP enlisted personnel, 14 militiamen at 4 na civilian employee noong 2016 habang siyam (9) na enlisted personnel pa ang nadagdag sa mga nagpositibo ngayong 2017.