(Eagle News) — Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend sa ilang pangunahing lansagan sa Quezon City.
Sa abiso ng DPWH-National Capital Region (NCR), isasagawa ang road reblocking at repair sa kahabaan ng Commonwealth, Mindanao Avenue at Congressional Avenue na magsisimula mamayang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw sa Lunes, Mayo 30.
Narito ang partikular na pagsasagawaan ng road reblocking/repair:
- Commonwealth Avenue:
- Southbound, sa pagitan ng Commonwealth Market hanggang West Riverside overpass;
- Northbound, sa pagitan ng Ever Gotesco hanggang Batasan Road;
- Mindanao Avenue:
- Northbound mula Catleya Street hanggang Road 8;
- Congressional Avenue:
- Eastbound, 2nd lane mula Island sa pagitan ng Visayas Avenue, tapat ng Tierra Pura Subdivision.