Binuong team na mag-iimbestiga sa 5 heneral, magiging patas – DILG

MANILA, Philippines (Eagle News) — Kumpleto na ang miyembro ng investigating team na mag-iimbestiga sa limang heneral na isinasangkot sa droga.

Kasunod ito nang pagbubunyag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang police general ang protector ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno na handa na ang investigating team para sa imbestigasyon.

Pero magiging patas daw ang mga ito at pakikinggan ang panig nina dating PNP Deputy Director General Marcelo Garbo, Jr., Gen. Vicente Loot, Gen. Bernardo Diaz, Gen. Edgardo Tinio, at Gen Joel Pagdilao.

Tiniyak ni Sueno na paiiralin pa rin ng mga imbestigador ang due process para sa limang opisyal.