Pangulong Duterte, titira sa Bahay Pangarap

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ang “Bahay Pangarap” sa Malacañang ang magiging opisyal na tirahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at lilipat na siya sa susunod na linggo.

Kinumpirma ito ni Presidential Management Staff o PMS Chief Christopher “Bong” Go.

Sa Bahay Pangarap din napiling tumira ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang naturang bahay ay nasa loob ng compound ng Presidential Security Group na may “resort ambience”.

Sumailalim na ito sa renovation at may idinagdag na tatlong silid bukod pa sa master’s bedroom.