Eagle News — Kumpiyansa pa rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) na papabor sa Pilipinas ang pasya ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.
Kasunod ito ng isinampang reklamo ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pinagaagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay DFA spokesman Charles Jose, humingi lamang ng paglilinaw ang Pilipinas hinggil sa ‘maritime entitlement’ sa mga coastal states at nakaangkla sa 1982 UN convention on the law of the sea ang claim ng Pilipinas.
Gayunman, tumanggi si Jose na idetalye pa ang magiging hakbang ng Pilipinas pabor man o hindi ang magiging hatol ng nasabing hukuman.
Eagle News Service.