DOTC all-set na sa paglalagay ng mga libreng Wi-Fi

Eagle News — Ipinagmalaki ng Department Of Transportation and Communication (DOTC) na ipapatupad na nila ang libreng internet sa mga major terminals sa buong bansa.

Ito ay matapos ang pakikipagkasundo ng DOTC sa isang malaking telecommunication company sa bansa na maglalagay sila ng libreng internet sa mga Airport, Sea port, Train stations at Bus terminals.

Ayon pa kay DOTC secretary Arthur Tugade, gagawin nilang sampung beses  na mas mabilis ang connection ng internet dahil ito ay ibinase sa international standard.

Ito lamang aniya ang umpisa sa planong paglalagay ng libreng internet sa lahat ng mga pampublikong lugar sa bansa.