QUEZON City, Philippines (Eagle News) – -Mas mataas ang health risks ng mga bagong silang na sanggol na hindi na-breastfeed sa unang oras ng kanilang pagka-silang. Ito ang babala ng UNICEF sa pagsisimula ng World Breastfeeding Week.
Ayon sa ahensya, mahalagang mapakain ang sanggol sa pamamagitan ng gatas ng ina sa unang oras pagkasilang dahil mapapangalagaan ang mga ito sa iba’t-ibang uri ng sakit
Inihayag ng UNICEF na sa isinagawang pag-aaral ang mga bagong silang na sangggol na naantala ang breastfeeding ay mas malaki ang panganib na mamatay.
Kaya muling inulit ng ahensya na ang gatas ng ina ang siyang unang bakuna ng mga sanggol.