Kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Quezon province nagsagawa ng clean-up drive

REAL, Quezon (Eagle News) – Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa hilagang bahagi ng Quezon province ay hindi nagsasawa sa pagsasagawa ng paglilinis sa kapaligiran. Nito lamang nakaraang Sabado, August 6 ay muli nilang ipinakita ang kanilang pagkakaisa sa pamamagitan ng clean-up drive. Isinagawa nila ito sa Brgy. Poblacion 1, Real , Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North.

Maraming mga kaanib ng INC ang nakilahok sa nasabing aktibidad na tumulong sa paglilinis. Dumalo rin ang konsehal ng Bayan, Sanguniang Barangay, Brgy. Health Workers, at mga Brgy. Police.

Ang ilang sa kanilang pinagtuunang linisin ay ang kalsada maging ang kanal na pinamumugaran ng lamok at mga insektong nakasasama sa kalusugan. Tinabasan naman nila ang mga sanga ng puno na nakaharang na sa daan at mga damong nagiging sagabal sa daloy ng tubig sa mga kanal. Pinulot naman at inilagay sa garbage bag ang mga plastik, lata, at bote upang maging malinis ang kapaligiran sa nasabing barangay.

Nagpapasalamat naman ng mga residente at mga opisyal ng nasabing barangay sa ginawa ng Iglesia Ni Cristo sa kanilang lugar dahil naging maaliwalas at malinis na ang kanilang lugar. Ayon sa mga opisyal ng barangay, napakalaki ng nagagawa ng pagkakaisa sa ikauunlad ng ating pamumuhay. Nangako sila na ipagpapatuloy nila ang ganitong gawaing pinasimulan ng INC sa kanilang lugar.

Courtesy: Nice Gurango – Real, Quezon Correspondent

850516762_16275_13996252559427154631

850518878_123936_18057244085793223294

850519986_115800_17725981773126556560

850521255_17206_8125316610776288677

850521530_16771_7688991504563487323

850521631_13874_11829867838433892166

850522055_18011_9009221931748755572

850522576_13475_6616759241806475748

850613453_12633_646753552615627405

850617844_15379_2095318693741973812

851426075_19318_8586586252787386176

851426977_16244_17791776519510163417

851440663_7139_10007610131917293725

851440665_7227_2020787513719245546

851440965_7552_11205205000438752382