Pangulong Duterte tiwala na suportado siya ng maraming Pilipino sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos

MANILA, Philippines (Eagle News) – Tiwala ang Malacañang na mas nakararaming Pilipino ang susuporta sa desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipalibing sa libingan ng mga bayani ang dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, hindi inilihim ng Pangulong Duterte ang kaniyang planong pagpapalibing kay Marcos kahit noong panahon pa ng kampanya pero ibinoto pa rin siya ng mas nakararaming Pilipino.

Sa kabila nito, sinabi ni Panelo na bukas ang Pangulo sa mga kilos protesta na planong gawin ng mga tutol na bigyan ng Hero’s Burial si Marcos.

Courtesy: Jet Hilario