EDSA-MRT Taft Southbound lane, sarado ngayong weekend

PASAY City, Philippines (Eagle News) — Isasara ang South-bound lane ng EDSA malapit sa MRT 3 Taft Station ngayong weekend. Para sa pag-assemble ng apat (4) na bagong Light Rail Vehicles o LRVS.

Ayon sa Department of Transportation (DOT), ang lane ay isasara mula sabado ng alas-otso ng gabi hanggang alas-tres ng madaling araw ng Linggo. Ganoon na din mula alas-tres ng hapon hanggang alas-diyes ng gabi ng Linggo.

Nais ng DOT na tiyakin ang kaligtasan ng mga motorista dahil sa un-loading at assembling ng LRVS at inabisuhan ang mga motoristang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Ang bagong LRVS ay bahagi ng capacity expansion project ng MRT 3.