DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng Kadayawan 2016 Art Exhibit na may temang “Sining para sa Pagbabago” (Art for Change) ang 19 na artists na mula sa Davao at ilang mga partisipante mula sa iba’t-ibang lugar.
Ang group art exhibit na ito ay matatagpuan sa isang mall sa Ecoland, Matina Davao City at magtatagal ang kanialng exhibit ng isang linggo. Makikita dito ang mga drawings, paintings at sculpture pieces ng 19 na artists na kalahok. Ito ay nagsisilbing tribute sa kauna-unahang pangulo ng bansa na nagmula sa Mindanao na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Kasama din ang mga obra ni Daryl De Leon Descallar ng Tabula Rasa Art Group na siyang nagpinta ng portrait ni Pangulong Duterte sa Davao.
Courtesy: Haydee Jipolan – Davao City Correpondent