Anim na pelikula tungkol sa buhay ng mga magsasaka, ipinapalabas sa Cabanatuan City, Nueva Ecija

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Tampok sa linggo ito ang pagpapalabas ng anim na pelikula tungkol sa buhay ng mga magsasaka sa mga sinehan ng isang mall sa Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ito ay nakapaloob sa inilunsad na TOFARM Film Festival ng nasabing lungsod na nagsimula noong Miyerkules, Agosto 24 na mapapanuod hanggang Martes Agosto 30, 2016.

Ayon kay TOFARM Founder, Dr. Milagros Ong-How, layunin ng mga pelikula na ipakilala ang kabayanihan at mga karanasan ng mga magsasakang Pilipino. Maliban sa lungsod ay dadayo rin ang grupo na galing sa iba pang mga lugar gaya ng Cebu at Davao.

Ang ilan sa aabangang pelikula ay ang mga sumusunod: “Pitong Kabang Palay” na isinulat at sa direksiyon ni Maricel Cariaga, “Pilapil” ni Jose Nadela, “Pauwi Na” ni Paolo Villa Luna, at marami pang iba.

Nagpahayag naman ng suporta sa mga pelikulang pasok sa TOFARM Film Festival ang aktor na si Romnick Sarmenta, na Tubong Cabanatuan upang maipakilala ang mga pelikulang gawang Pilipino.

Courtesy: Emil Baltazar – Nueva Ecija Correspondent