DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ang Davao City Police Office ng surprise random drug test noong Martes, Agosto 30 sa pangunguna ni DCPO spokesperson Police Senior Inspector Catherine dela Rey. Layunin nitong matiyak na walang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa hanay ng mga kapulisan.
Ayon sa initial report, 200 na mga police ang ipinasailalim sa isinagawang random drug-test.
Matatandaan na sa unang linggo ng Agosto taong kasalukuyan ay isinagawa ang surprise drug testing sa mga police na nakabase sa Buhangin Police Station, San Pedro, Bunawan at Sta Ana Police sa pangunguna ng DCPO. Sa nasabing drug test ay may dalawa na nagpositibo subalit tiniyak ng kanilang spokesperson na ang dalawa ay natiyak na gumamit ng gamot dahil sa pananakit ng katawan sa pagkakataong yaon.
Ayon din sa tagapagsalita, kapag may mapapatunayan sila na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa hanay ng mga pulisya ay mabigat na parusa ang ilalapat sa kanila.
Courtesy: Saylan Wens – Davao City Correspondent