Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Pamamahayag sa BJMP-Tuguegarao

TUGUEGARAO City, Cagayan (Eagle News) — Matamang nakinig sa pangangaral ng mga Salita ng Diyos ang mga bilanggo sa Tuguegarao Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay kaugnay ng naging kasunduan sa pagitan ng Iglesia Ni Cristo at Pamunuan ng BJMP na binibigyan ng kalayaan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na mangaral ng Salita ng Diyos maging sa loob ng bilangguan.

Ang layunin nito ay maipaabot ang tulong hindi lamang sa materyal na bagay kundi maging ang ukol sa bagay na espirituwal. Mababakas naman sa mga mukha ng mga inmates ang kagalakan habang nakikinig sa pangangaral ng mga ministro ng Iglesia ni Cristo.

Courtesy: Eman dela Cruz – Tugeugarao City Correspondent