PRESIDENT ROXAS, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng Philippine National Philippines (PNP) Patrol Plan 2030 at ng 116th Civil Service Commission Anniversary ay isinagawa ang Fun Run sa municipal public plaza ng President Roxas, Capiz. Nilahukan ito ng drug surrenderees at ng iba’t-ibang ahensiya ng Lokal na Pamahalaan.
Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Municipal Mayor Receliste Escolin kasama ang mga barangay kapitan ng President Roxas. Nakipagkaisa rin ang mga empleyado ng ahensiya ng lokal na Pamahalaan, mga estudyante na mula sa iba’t ibang paaralan.
Bago nagsimula ang Fun Run ay nagsagawa muna sila ng warm up exercise. May layong 3 kilometro ang tinakbo ng mga lumahok. Nagsimula sila sa Pres. Roxas Public Plaza hanggang crossing Viscaya at pabalik sa Public Plaza. Sinundan naman ito ng Zumba at sa pagtatapos ng aktibidad ay nagbigay ng mensahe si Mayor Escolin at hinikayat ang mga nagsidalo na paunlarin ang kalusugan lalo na ang drug surrenderees sa pamamagitan ng tunay na pagbabago ng mga ito.
Courtesy: Neal Flores