Isang unibersidad sa Davao City nakatanggap ng bomb threat, mga estudyante pinauwi

DAVAO City (Eagle News) – Isang bomb threat ang natanggap ng University of South Eastern Philippines (USEP) sa Brgy. Obrero lungsod ng Davao. Kaya pinauwi ang lahat ng estudyante sa naturang paaralan.

Hindi rin pinayagan na makapasok ang media sa loob ng Unibersidad. Sa ilang nakapanayam na estudyante, pinag-utos umano ni Orvil Basug, Head ng Security sa naturang paaralan ang pag-uwi ng maaga ng mga estudyante. Namataan rin na pumasok sa loob ng paaralan ang isang police mobile kasama ang Bomb Sniffing Dog ng Bomb Squad ng lungsod.

Courtesy: Reher Ybañez

850516820_29872_8959797953633224557

850614583_31398_15777646626611489096

850619862_31570_4791489135501785673