Pagiging alerto kontra-terorismo pinaigting ng kapulisan at kasundaluhan sa Carrascal, Surigao del Sur

CARRASCAL, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng joint full alert checkpoint ang mga pulis at sundalo sa mga dumaraang pambribado at pampublikong mga sasakyan partikular na sa National Highway, Brgy. Bon-ot, Carrascal, Surigao del Sur. Layunin nito na masugpo at maiwasan ang anumang pangyayaring karahasan at terorismo.

Patuloy namang ipinaalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at kaagad na i-report sa kinauukulan ang anumang mga kahina-hinalang indibidwal, bagay at kaganapan.

Lalong pinaigting ng kapulisan at kasundaluhan ang pagiging alerto kontra-terorismo sa Surigao del Sur dahil sa nangyaring pambobomba sa Davao City noong Biyernes ng gabi, September 2.

Courtesy:  Dennis Ravelo