Ilang parte ng solar street lights sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, ninakaw

STO. DOMINGO, Nueva Ecija (Eagle News) – May mga bahagi ng solar street lights ng bayan ng Sto. Domingo dito sa Nueve Ecija ang nawawala at posibleng ninakaw.

Personal na nagtungo sa Sto Domingo Police Station noong Huwebes, September 8, 2016 si Crispin Juan y Garcia, Chief Provincial General Services Office (PGSO) para upang ireport na nawawala ang apat na solar batteries at apat na solar controllers sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayang ito.

Nadiskubre ito nitong nagdaang inspection sa Solar Street Lights sa kahabaan ng Maharlika Highway sakop ng Purok 1, Brgy. Baloc, Sto Domingo, Nueva Ecija

Nawawala din ang 11 solar batteries at 11 controllers na sakop naman ng Brgy. Bagong Silang, Talavera, Nueva Ecija, at pinaghihinalaang ninakaw rin ang mga ito.

Courtesy: Bhelle Santiago