Zumba inilunsad ng Sigma PNP, Capiz para sa mga sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang

courtesy-sigma-pnp-7 courtesy-sigma-pnp-4courtesy-sigma-pnp-6 courtesy-sigma-pnp-5

 

Capiz City, Philippines  – Kaugnay ng Philippine National Police Anti-Drug Campaign Plan: PROJECT DOUBLE BARREL, ay nagsagawa ang Sigma PNP sa lalawigan ng Capiz ng isang “Zumba Dance” para sa mga surrenderees ng Oplan Tokhang.

Ito ay pingunahan ni Police Senior Inspector Hilbert Gervero, ang acting chief of police ng Sigma Police Station.

Nilalayon ng aktibidad na ito na suportahan ang kampanya kontra sa “iligal na droga” at hikayatin ang mga surrenderees ng Oplan Tokhang na ingatan ang kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pag -i-ehersisyo at paglayo sa mga ipinagbabawal na gamot.

Masigla namang nilahukan ng mga surrenderees ang Zumba Dance na pinangunahan ng mga personnel ng Sigma PNP.