Iglesia Ni Cristo pinangunahan ang isinagawang Drug Awareness Seminar sa Distrito ng Cagayan South

(Eagle News) – Dinaluhan ng maraming kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang seminar ukol sa Drug Awareness sa Distrito ng Cagayan South. Ang mga naging tagapagsalita sa seminar ay sina:

  • Ms. Ma. Cristina A. Viloria, RN
  • PSupt. Jessie Tamayao
  • PS Inspector Peter
  • PS Inspector Ronilyn Baccay
  • Judge Catherine Bangi Allas

Tinalakay naman sa nasabing seminar ang sumusunod:

  • Iba’t-ibang uri ng ipinagbabawal na gamot
  • Ang masamang epekto ng droga sa tao
  • Ang maaring mapinsala sa isang tao na gumagamit ng illegal na droga
  • Ang parusa kapag nahuli ang isang tao na gumagamit o nagbibenta ng Iligal na droga.

Pagkatapos ng seminar ay nagbigay ng huling pananalita at pagpapaayo si Bro. Augusto T. Galapon ang Distritct Supervising Minister ng Cagayan South.

Courtesy: Manny Dela Cruz