Bomb drill isinagawa ng Barobo PNP, Surigao del Sur

BAROBO, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng isang bomb explosion drill ang Barobo Municipal Police Station sa Barobo Integrated Bus and Jeepney Terminal. Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Manolo Andrew M. Caoille, OIC, COP, kasama ang mga kapulisan at may coordination din sa iba’t ibang lokal na ahensya.
Ayon sa impormasyon, ang isinagawang aktibidad ay properly coordinated. Dinaluhan din ito ng mga representative at personalities na galing sa;
  • Search and Emergency Response Team of Surigao del Sur (SERTSS)
  • Bureau of Fire Protection (BFP)
  • Municipal Health Office
  • 75th IB Charlie Company ng Phililippine Army, pinamunuan 1Lt. Michael A. Pascuas
  • 13th RPSB (Regional Public Safety Batallon) sa pamumuno naman ni Police Senior Inspector Regan Orina
  • Surigao Del Sur Philippines Public Safety College (SDSPPSC)

Pagkatapos ng bomb explosion drill, nagsagawa ng post assessment ang bawat grupo sa Municipal gymnasium ng nasabing lungsod para sa mga kritiko at rekomendasyon.

Pinangunahan din ni P03 Evangeline S. Nidea ang pamimigay ng mga informative flyers sa Brgy. Poblacion na naglalaman ng mga impormasyon galing sa Philippine Bomb Data Center. Layon nito ay upang maipalam sa publiko ang dapat at hindi dapat gawin kung may mga nakitang mga hinihinalang mga bagay na naiwan lamang sa kung saan-saang lugar.

Courtesy: Issay Daylisan – Barobo, Surigao del Sur Correspondent