Pinakamalaking laboratoryo ng shabu nadiskubre

PAMPANGA (Eagle News) – Isa pang mega-shabu Laboratory ang nadiskubre sa paanan ng Mt. Arayat, Pampanga. Ito ay matapos salakayin ng pinagsanib na puwersa ng Pampanga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Sgency ang nasabing Laboratoryo na nasa isang piggery sa Barangay Lacquios. Napalilibutan umano ang laboratoryo ng walo hanggang sampung talampakang concrete fence katabi ang isang planta ng plastic.

Ayon kay Pampanga Provincial Police Office Director, Senior Supt. Rodulfo Recomono Jr., kabilang sa kanilang narekober na equipment ang pitong malalaking Hydro-generator at Chromatograph. Ang bawat Hydro-generators aniya ay may kapasidad na gumawa ng limampu hanggang isang daang kilo ng shabu kada araw base sa assessment ng Crime Laboratory Chemist. Ang Chromatograph Machine naman ang ginagamit sa pagtukoy ng “purity” ng finished product.

Isang Chinese national ang nahuli sa nasabing raid. Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad kung kanino nakapangalan ang lupang kinatitirikan ng nasabing shabu laboratory.

Courtesy: Joel Mapiles
Photo Courtesy: Glenn Guillermo, Public Information Officer III, PDEA Regional Office 3

dsc09551-1_518812807903313980

dsc09552_518812807903313982

dsc09556_518812807903313979

dsc09559_518812807903313981