BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kahit marami ang bumabatikos sa administrasyong Duterte laban sa pagsugpo kontra iligal na droga, tiniyak ni Surigao del Sur 2nd District Congressman Johny T. Pimentel ang pagsuporta nito.
Ayon pa sa kongresista, kahit umabot pa ng anim na taon at matatapos ang termino ni Pangulong Duterte ay hindi pa rin daw tuluyang mawawala ang droga. Nabanggit din ng kongresista na kahit si PNP Director Ronald dela Rosa ay masaya na maabot nila ang 70 % sa kanilang target.
Sa kasalukuyan, mayroon di-umanong 3.6 milyong mga pusher at user sa bansa. Mababa pa rin daw ang bilang ng mga namamatay na mga drug dependents sa mga isinasagawang Police Operation. Pero may posibilidad na madoble sa mga darating na panahon.
Pinuna din ni Pimentel ang pambabatikos ng international community sa sinasabing extra judicial killings kasama na dito ang mga vigilante o riding in tandem na hindi dumaan sa korte. Binigyan diin din ni Pimentel na kung ito lamang daw ang tanging paraan upang masugpo ang iligal na droga sa bansa ay dapat lamang itong ipagpatuloy at baka ito na raw ang nag-iisang solusyon.
Courtesy: Issay Daylisan