BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ng libreng medical check-up at seminars tungkol sa “Healthy Lifestyles” ang City Government ng Balanga at ng City Health Office sa mga lokal ng empleyado ng lungsod. Isinagawa ito sa Plaza Mayor ng Balanga City.
Ito ay may kaugnayan sa isinasagawang aktibidad ng City Administration na “Barangay Learning Week” sa tulong ng Department of Health (DOH) Bataan. Pupuntahan nila ang 25 Barangay ng Balanga sa loob ng isang taon .
Ang mga seminar na isasagawa ay tungkol sa;
- Dental
- Breast Feeding
- Family Planning
- Dengue
- Smoking
- Marami pang iba pa
Layunin nito na magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa tamang pangangalaga sa kalusugan. Kaya ang temang ginamit ay Non-Communicable Disease Control and Prevention Program.
Courtesy: Josie Martinez