INFANTA, Quezon (Eagle News) — Walang pagsidlan ang katuwaan ng halos 400 mga bata na may edad na 2-8 taong gulang kasama ang kanilang mga ina sa isinagawang Feeding Program ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga manistro ng INC, asawa ng mga minstro, at mga miyembro ng INC sa bayan ng Infanta.
Masaya na, nabusog pa ang mga bata sa ginawang ito ng INC. Bago nagsimula ang programa ay nanalangin muna at sinundan na ito ng clown presentation, pagsayaw ng mga bata, at pagbasa ng maikling kuwento na nagtuturo sa bata ukol sa tamang pagtatapon ng basura at pagmamahal sa kalikasan, maging ng kabutihan ng pagtitipid ng tubig at kuryente. Bago matapos ang programa ay namahagi ng mga papel at lapis ang mga kaanib ng INC na magagamit ng mga bata.
Ang ganitong aktibidad ay pinagtibay ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng INC na si Bro. Eduardo V. Manalo upang makatulong ang INC sa mga kabataan at sa pamahalaan ukol sa pagbibigay ng gabay sa mga kabataan upang magkaroon tayo ng malinis at maunlab na pamumuhay. Halos maluha ang mga bata lalo na ang mga magulang sa kasiyahan dahil sa magandang layunin ng INC sa kapakanan ng Kumunidad at sa kanilang kalusugan.
William Inte EBC Correspondent – Infanta, Quezon