Ocular inspection sa Quarry ng Brgy. Mabini, Ormoc City, Leyte isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinangunahan noong Martes ng umaga, October 4, 2016 ni DENR Regional Director Leonardo Sibbaluca at ni Mines Geosciences Bureau Regional Director Raul Laput ang inspection sa isang quarry sa Barangay Mabini. Ang nasabing lugar ay napagitnaan ng dalawang Bayan. Ang bahaging kaliwa ay sakop ng Ormoc City at ang kanang bahagi naman ay sakop ng Albuera, Leyte. Sa bahagi ng Ormoc City ay pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez kasama ang mga opisyales ng CENRO at sa Albuera naman ay naroon ang kanilang MENRO bilang kinatawan ng kanilang Bayan.

Sa kanilang isinagawang ocular inspection ay natuklasan ng mga awtoridad na halos wala ng tubig na dumadaloy sa ilog na pinagkukunan ng mga bato at buhangin dahil naaabuso na ng mga Quarry Operators. Napagkasunduan na dapat ng kontrolin ang nasabing quarry sa pamamagitan ng pagbuo ng isang “task force” sa ilalim ng pangangasiwa ng Mines & Geosciences Bureau. Hihigpitan na din at kokontrolin ang pag-issue ng mga permits upang maagapan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan.

Hindi na rin papayagan ng LGU Ormoc na dumaan ang mga heavy truck at equiptment ng mga quarry operators ng bayan ng Albuera sa kalsada ng Ormoc lalo pa’t daan din ito papuntang golf course na kung saan isa ito sa mga tourist destination ng lungsod.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Leyte

3a1ca447-419e-4c87-80a1-436d1840d06b

6d88dc22-214f-41ce-8761-d34cd20033d6

7a31032d-7d3f-4c6d-ae34-68213275076b

8c5e8f03-0dd8-4a57-b8f4-3ac69c5370f9

9da60d80-3ce9-4e93-b5e9-99f1f4c1b3c6

074cc367-1ea0-4381-86ff-eb056c45db28

11029a97-404d-4004-94d0-b4b8a285235f

aea6a382-5e25-491e-becf-cebf5f6c2f25

b1bd4f79-df36-4c6b-8812-4ff8f33093df

bb4048d2-b85c-4179-ab73-cf9ca14c4f23

f5850f82-ed64-4610-a218-fa4b8e6f91e7

f53818ea-cdfa-42c9-90bc-276df694d9f1