(Eagle News) — Binigyang-diin ng Amerika na nananatiling matatag ang alyansa nito sa Pilipinas sa kabila ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ng US matapos ang banta ni Duterte na posibleng paalisin ang American Forces sa bansa at iniutos ang pag-review sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Sinabi ni State Department Spokeswoman Elizabeth Trudeau, mas pinagtutuunan ng pansin ng US ang malalim na relasyon sa Pilipinas kaysa mga komento ng iisang tao lamang.
Ayon kay Trudeau, sa loob ng pitumpung (70) taon ay naging maayos ang U.S.-Philippines alliance at itinuturing ng Amerika na “best friends” at ally ang mga Filipino.
https://youtu.be/oeMY4SlrpKU