De Lima at Trillanes, sasampahan ng reklamo sa Senate Ethics Committee

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Ikinukunsidera ni Senador Richard Gordon na sampahan ng reklamo sa Ethics Committee sina Senador Leila De Lima at Antonio Trillanes IV.

Kasunod ito ng nangyaring pambabastos at umano’y panloloko ng dalawa sa mga miyembro ng Senate Committee on Justice nang paharapin sa imbestigasyon ng senado ang testigo na si Edgar Matobato.

Ayon kay Gordon, batay lang ito sa resulta ng caucus na ginawa ng mga miyembro ng komite.

Inamin ni Gordon na maraming senador ang dismayado sa inasal nina De Lima at Trillanes.

Sakaling mapatunayan ang alegasyon ng pambabastos, maaring masuspinde sina De Lima at Trillanes, at posibleng mapatalsik pa kapag napatunayang guilty.