World Teachers’ Day celebration isinagawa sa Bataan

BALANGA, Bataan (Eagle News) – Ipinagdiwang kahapon, Miyerkules, October 5, 2016 ang World Teachers’ Day Celebration na may temang “Guro: Kabalikat sa Pagbabago”. Isinagawa ito sa Bataan Peoples Center Capitol Compound sa lungsod ng Balanga.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina:

  • Schools Division Superintendent Jessie Ferrer
  • Representative 1st District Hon. Jose Enrique Garcia III
  • Representative 2nd District Hon. Geraldine Roman
  • Mr. Nicolas Capulong OIC Schools Division Superintendent.

Kasabay na isinagawa rin ang kick-off Ceremony ng first Department of Education Sports Festival kung saan ang tampok sa kanilang palaro ay mga Palarong Lahi tulad ng sack race at iba pa. Halos mahigit tatlong libong mga guro galing sa ibat ibang bayan ng lalawigan ang dumalo.

Layunin ng ganitong mga aktibidad na magkabuklod-buklod ang mga guro sa buong lalawigan at magkaroon ng camaraderie ang bawat isa. Ang aktibidad na ito ay pagpupugay sa mga guro sa kanilang dakilang kontribusyon sa ating bansa.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan

4df10b0a-b236-446c-9289-10fd5a1dcea7

8dcc9b89-64e5-44c9-a633-5ee3eb839565

8e0bc2e7-b717-45a1-85ac-201c9c6ff0ac

8f8b2f86-70f3-44d4-a6a5-e0add1959be5

40b0c147-5fae-4c42-bafd-59e15ebc0f0f

17564736-b94c-40e1-b497-0b071217ab71

 

bffb2ed4-576d-4572-8a20-72ea9a3cc1a4

d8f93c90-7414-47e4-a14c-0473d0eae36d