NUVA ECIJA (Eagle News) – Nagsagawa ng dentel mission sa mga paaralan ang Department of Health (DOH) at Provincial Government ng Nueva Ecija. Tinatawag nila ang proyekto na “Smile Mo, Labs Ko”.
Nitong nakaraang Huwebes, October 6 sa Gabaldon Central School, Nueva Ecija nila isinagawa ang nasabing aktibidad. Nakinabang ang mga mag-aaral sa elementarya ng nasabing Paaralan.
Narito ang bilang ng mga mag-aaral na tumanggap ng libreng serbisyo:
- 606 ang tumanggap ng libreng toothbrush, toothpaste at Oral Health Education
- 120 bata ang nalinisan ng ngipin
- 11 napastahan
- 68nNabunutan ng ngipin
Ang “Smile Mo Labs Ko” Project ng DOH at Provincial Government ay patuloy na magtutungo sa iba’t-ibang paaralan sa lalawigan upang tiyaking maganda ang ngiti ng bawat kabataang Novo Ecijano.
Emmanuel Ingosan – EBC Correspondent, Nueva Ecija