Blood donation magkatuwang na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo at Philippine Children’s Medical Center

4dff801b-1ae9-4064-97bd-e83649c0bcaa

QUEZON CITY (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Philippine Children’s Medical Center noong Sabado, October 8, 2016. Isinagawa ito sa kapilya ng INC sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Maraming tao ang nag-donate ng dugo, kaanib man o hindi ng INC ay nagkaisa para makatulong sa kapwa. Ilang mga medical technologist, doctor, at nurses ang lumahok upang makalikom ng dugo na makatulong sa mga batang nangangailangan.

Ayon kay Earl Jay Maligsay, Donor Recruitment Officer at ni Dr. Pido ng PCMC ang aktibidad na gaya nito ay hindi lamang para sa mga Religious Groups kundi maging sa mga Rural Areas, Private Organization at Government Agency.

Ang mga dugong malilikom ay particular na gagamitin sa nasabing ospital. Sa kabuuan ay naging mapayapa ang isinagawang Blood Donation Drive at walang napaulat na problema.

Agapes Faith Manzano, EBC Correspondent, Quezon City