Dalawang 4 storey school building sa Ormoc City, pinasinayaan

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinangunahan ni Congresswoman Lucy T. Gomez noong Lunes ng umaga, October 10 ang pagpapasinaya ng dalawang 4-storey school building na mayroong 60 silid-aralan. Pormal itong na-i-turn over sa pangasiwaan ng Ormoc City Senior High School.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang implementing agency ng nasabing proyekto.

Ayon kay District Engr. Lino Gonzales, umabot sa 80 milyong piso ang nagugol sa dalawang gusaling ito. Sa inauguration ceremony ay nanawagan si Engr. Gonzales na dapat itong ingatan. Dapat ay walang bandalismo sa mga gusali dahil hindi lang ang mga kasalukuyang estudyante ang gagamit nito kundi maging ang susunod pang henerasyon.

Ipinaaabot naman ng pangasiwaan ng paaralan sa pangungana ng kanilang principal na si Mrs. Elena Angelita Sios ang kanilang taos-pusong pasasalamat. Napakalaking tulong aniya nito sa kanilang paaralan na sa ngayon ay mayroong 920 na mga mag-aaral na hindi lang mga residente ng Ormoc City kundi maging sa mga kalapit na mga bayan.

Sa talumpati naman ni Cong. Lucy, ngayon pa lamang siya nakapag-turn over ng ganito kalaking mga gusali. Sinabi rin niya na may karagdagan pang 3-storey building para sa Ormoc City Senior High School.

Kimberly Urboda – EBC Correspondent, Ormoc City

cb162069-5deb-4927-b0dd-f28fb1b8d1d0

ba77dd18-d46e-4438-a083-3fa009c3b274

b6b634db-3aea-4133-b276-d3a8ec2431da

712e4ac1-32fe-4ec8-b73c-c68115dabf26

36bebf5b-62bb-4a40-aa79-67ee9fe8f713

5a47ae4d-2c55-4fd4-b55a-f40f8edb02e8

1dd186a7-73ff-4db4-92fc-dfe2d49c6555

0cb37274-3a08-4abb-b157-c6247101010d

0c8f9af9-f095-4c2b-b935-a2584db429f5