Blood Donation activity isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Oriental Mindoro

1

Calapan City, Oriental Mindoro (Eagle News) — Pinangunahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa probinsya ng Oriental Mindoro ang blood donation activity na isinagawa sa Gymnasium ng Bucayao, Calapan City, Oriental Mindoro sa pakikipagtulungan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital.

Ang kabuuang bilang ng nai-donate na blood bags ay 71.

Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na lumahok sa nasabing aktibidad ay nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng Oriental Mindoro na bagama’t malayo pa ang kanilang pinanggalingan ay buong sigla nilang linahukan ang nasabing aktibidad upang makatulong sa mga taong may karamdaman at nangangailangan ng dugo kaanib man o hindi sa INC.

Samantala, kasabay ng blood donation ay naging matagumpay din ang isinagawang Dental Mission sa nasabing lugar.

Marami ang nakinabang sa isinagawang libreng check-up at bunot ng ngipin.

Naging maayos at mapayapa ang isinagawang mga nasabing aktibidad na pang sibiko sa pakikipagtulungan ng mga SCAN International Mindoro Oriental North chapter.

Eagle News Correspondent Leoven Calsena, Calapan City