Public Advisory: Pamahalaan at pribadong tanggapan sa Isabela, walang pasok

ISABELA (Eagle News) – Nagpalabas ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na walang pasok ang lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong opisina simula mamayang 1:00 ng hapon hanggang bukas, Oktubre 20, 2016. Ito ay upang mabigyan ng panahon ang mga empleyado na ihanda ang kani-kaniyang tahanan sa paparating na super typhoon Lawin na tatama sa bahagi ng lalawigan.
Kaugnay ng Executive Order ang mandato sa BFP, DPWH at Iselco 1 and 2, binigyan ng direktiba ang lahat ng mga empleyado na tumulong sa pagpuputol ng mga sanga ng mga puno lalo na yung nasa kani-kanilang mga bakuran. Ito ay upang maiwasan na tatama kung sakali man sa mga kable ng kuryente.
Ang mga ahensiya naman ng Pamahalaan na may kinalaman sa pagbibigay ng Basic Health Services, at pagresponde sa ganitong kalamidad ay pinaalalahanan na manatiling nakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan.
Samantala, ang ng Bayan ng Ramon, Isabela, bagamat nasa mataas na lugar sa bahagi ng Isabela ay naghahanda na ng mga relief goods para sa mga ilang identified na mamamayan na nasa mababang lugarng bayan kung sakali at magiging matindi ang epekto ng bagyong Lawin.
Lanie Rasos-Romero – EBC Correspondent, Ramon, Isabela

9a8c7e14-c76c-4ceb-b334-ca662dd5995a

156b8330-513b-4f3c-afd4-bba67f6883da

b2a24fb4-f88f-4fd0-8ec7-036329f00ceb

ebdb8f16-7ad2-4599-8652-357177f4f074

fdae8515-c45a-40bf-88ea-5a0a2ca56d76