Malakas na bugso ng hangin at manaka-nakang pag-ambon nararanasan pa rin sa San Mateo, Isabela

SAN MATEO, Isabela (Eagle News) – Sa pananalasa ng bagyong Lawin Miyerkules pa lamang ng gabi ay inilikas na ang ilang mga pamilya at mga indibidwal na ang tirahan ay malapit sa mga ilog at apektado ng nasabing bagyo .

Ayon sa tala ng MDRRMO, ang bilang ng mga evacuees sa iba’t-ibang evacuation center ay ang sumusunod:

  • 45 pamilya at 150 indibidwal ang evacuees sa Livelihood Training Center ng San Mateo
  • 30 pamilya sa Barangay San Roque
  • 15 pamilya sa Barangay Tres Poblacion
  • 15 pamilya at 62 indibidwal sa Barangay Hall ng Villa Magat
  • 10 pamilya at 30 indibidwal sa Barangay Hall ng Malasin
  • 13 pamilya at 40 indibidwal sa Gaddanan

Sa kasalukiyan ay wala pa namang naiulat na casualties sa nasabing bayan. Namahagi na rin ng tig dadalawang relief goods sa evacuees.

Jean Mendonez – EBC Correspondent, San Mateo, Isabela