Turn over at inauguration ceremony ng isang 2-storey school building isinagawa sa Baybay, Leyte

BAYBAY CITY, Leyte (Eagle News) – Pormal ng na-i-turn over nitong Biyernes, October 21 sa Baybay City Senior National High School ang isang 2-storey school building na mayroon 12 silid aralan. Bahagi ito ng kabuuang proyekto na 2 gusaling na may kabuuang halaga na Php 28,737,029.18 mula sa pondo ng DPWH CY 2016 Regular Infra na kung saan ang 5th Leyte District Engineering Office ang implementing agency ng nasabing proyekto.

Labis itong ikinagalak ng mga mag-aaral, magulang at mga guro ng Baybay City Senior National High School dahil mayroon na silang magagamit na maayos na silid-aralan. Pinagkalooban din ng computer rooms na may mga computer units na nakahanda upang magamit ng mga nagsisipag-aral na ang tract ay may kinalaman sa computer.

Samantala, ang isa pang nalalabing gusali na dalawang palapag at mayroon ding 12 classrooms na inaasahang matatapos sa darating na taong 2017.

Jason Tamidao – EBC Correspondent, Baybay City, Leyte

2dcbfa12-6325-4081-9b82-a355c8543d24

6c35971f-8e4d-4f0f-bc0f-d2c89fc80cc7

6f965e0a-00b8-41eb-bc97-e96d9023057e

9d0e8373-c934-494e-9252-82acee86b4ae

839aad9c-93ae-4bf7-a4a9-ab4aab389205

3763c078-6112-4540-87ed-284facfa0c44

9960b183-e332-4693-b1bd-5170bbf6bcef

 

e971845a-0517-496d-acbd-189c8e5fa50f