Suplay ng commercial rice sa Tuguegarao City nagkukulang na

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (Eagle News) —  Kulang na ang suplay ng commercial rice sa Tuguegarao City sa Cagayan dahil sa nararanasang black out dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin.

Sa ipinatawag na pulong ng National Food Authority-Cagayan, iginiit ng mga private trader na maraming naka-stock na palay pero hindi naman sila makapagkiskis dahil sa kawalan ng supply ng kuryente.

https://youtu.be/oMCa81lbBwo