URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Major sponsor ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Symposium, Painting/Arts Contest, Feeding Program at Values Formation Seminar sa Urdaneta City District Jail, Brgy. Anonas, Pangasinan nitong Biyernes, October 28, 2016. Pinangunahan ito ng INC Church officers ng Urdaneta katuwang ang mga namamahala sa District Jail na pinangunahan ni Jail Chief Inspector Roque Constantino III.
Ang programa ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week na may temang “Husay at Propesyunalismo, Tumutugon sa Pagbabago”. Ipinakita ng bawat inmates na representante ng bawat selda ang angking galing nila sa poster making. Ang mga nanalo ay ginawaran ng grocery items.
Naging resource speaker sa panig ng values formation si Bro. Michael Cabasada, Ministro ng ebanghelyo. Sa aspeto naman ng legal na usapin ay si Atty. Raymundo Bautista, Jr. na pawang nakatanggap ng Plaque of Appreciation mula sa pamunuan ng INC Pangasinan East District at Urdaneta City District Jail.
Lubos ang naging pagpapasalamat ng inmates na sila ay nabigyan ng mga ganitong pagkakataon para sila ay makapakinig upang lalo pang makapag-motivate sa kanila para sila ay lubusang magbagong-buhay.
Nagpapasalamat din si Jail Chief Inspector Roque Constantino Sison III sa mga miyembro ng INC sa Urdaneta sa all-out support nila sa aktibidad na ito.
Rusell Failano – EBC Correspondent, Urdaneta City, Pangasinan